Pangkalahatang tanong

Technical issues at solutions

Hindi ko ma play ang video. Nakakakita lang ako ng erro message.

Kung may lumalabas na error message kapag sinusubukan mong mag-play ng video, maaaring dahil ito sa ilang dahilan.

Siguraduhing updated ang iyong Soccer24 app sa pinakabagong bersyon kung ikaw ay app user.

Kung ikaw ay web user, tiyaking gamit mo ang Google Chrome o updated ang iyong browser.

May ilang video na maaaring hindi available sa iyong bansa dahil sa licensing agreements.

Para sa mga video mula sa external providers, maaaring may teknikal na isyu na hindi namin ganap na makontrol.

Kung nagpapatuloy ang problema, ibahagi ang iyong feedback—patuloy naming inaayos at pinapabuti ang iyong karanasan!

Hindi ko ma play ang ibang videos - nakalagay na hindi sila available sa aking bansa.

May ilang video sa Soccer24 na maaaring hindi ma-access sa ilang bansa dahil sa licensing agreements o regional broadcasting rights.

Kung makakita ka ng mensahe na nagsasabing hindi available ang video sa iyong bansa, ito ay dahil nilimitahan ng content provider ang access sa mga partikular na rehiyon.

Hindi ko makita ang betting odds sa app.

May ilang video sa Soccer24 na maaaring hindi accessible sa ilang bansa dahil sa licensing agreements o regional broadcasting rights.

Kung makakita ka ng mensaheng nagsasabing ang video ay hindi available sa iyong bansa, ito ay dahil nilimitahan ng content provider ang access sa mga partikular na rehiyon.

Bakit minsan nahuhuli ang betting odds?

Ang betting odds ay ina-update kada ilang minuto dahil sa teknikal na limitasyon. Ang live updates ay maaaring magdulot ng mabigat na load sa aming system, at minsan ang mga delay ay dulot din ng update frequency ng mismong bookmaker. Sinisikap naming maibigay ang pinakabagong odds sa lalong madaling panahon, pero may mga delay na hindi namin kontrolado.

Bakit mas maaga kong nakikita ang mga resulta sa app kaysa sa komentaryo sa audio stream?

Ang Soccer24 app ay nagbibigay ng real-time updates mula sa live data feeds, kaya't agad mong natatanggap ang pinakabagong scores at kaganapan.

Samantala, ang audio commentary ay nangangailangan ng pag-capture ng live action, pagproseso ng audio, at pag-stream nito sa iyong device, na nagdudulot ng kaunting delay.

Dahil dito, maaaring mapansin mong nauunang mag-update ang scores sa app bago mo marinig ang mga ito sa audio stream.

Bakit nahuhuli o wala ang post-match highlights sa ibang mga laro?

Ang post-match highlights sa Soccer24 ay maaaring maantala o hindi maging available para sa ilang laban dahil sa broadcasting rights at mga kasunduan.

Ang mga karapatang ito ay nagkakaiba depende sa liga, kompetisyon, at rehiyon, kaya naaapektuhan ang availability at timing ng highlight content.

Sinisikap ng Soccer24 na magbigay ng napapanahong updates, ngunit may mga delay na hindi namin kontrolado.

Nakakakita ako ng ibang stats or sports data sa ibang websties o apps.

Pakitandaan na kung makakita ka ng ibang stats o data sa ibang lugar (halimbawa, sa UEFA o FIFA websites), maaaring dahil gumagamit sila ng ibang data provider kaysa sa amin.